Nagsimula na kahapon ang election period ng Commission on Elections (COMELEC) na tatagal sa loob nang 150 araw o hanggang Hunyo 8.
Kabilang sa ipinatutupad ngayong election period ang nationwide gun ban kung kaya’t nagsimula na ring maglagay ng checkpoints ang mga tauhan ng Philippine National Police.
Tanging ang mga authorized law enforcement officers lamang ang pinapayagan na magbitbit ng baril tuwing election period at maaaring maharap sa anim na taong pagkakakulong ang sinumang mahuhuling lalabag.
Sinuspinde na rin muna ng PNP ang validity ng lahat ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa ilalim ng COMELEC resolution no. 10728.
Samantala, magsisimula ang campaign period para sa national elections sa Pebrero 8 habang sa Marso 25 naman para sa local candidates.