Health care utilization ng mga ospital, pinagbabatayan ng DOH bago ilagay sa Alert Level 4 ang Metro Manila

76

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na babantayan muna nila kung maaabot ang 70 percent na healthcare utilization rate bago itaas sa Alert Level 4 ang National Capital Region.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa moderate risk pa rin naman ang utilization rate ng karamihan ng mga ospital dito sa NCR.

Pero ayon kay Duque, dahil sa bilis ng hawahan ng virus ay problema naman ngayon ang dami ng mga healthcare workers na nagkakasakit.


Ito aniya ang dahilan kung bakit pinaikli nila ang isolation period ng health care workers upang masigurong hindi magkakaroon ng kakulangan sa mga tutugon sa mga maysakit.

Facebook Comments