Nagsimula na kaninang alas-12:00 ng madaling araw ang pagpapatupad ng nationwide election gun ban bilang paghahanda sa national at local elections ngayong May 9, 2022.
Sa ilalim ng Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10728, tanging mga bonafide police, military at miyembro ng law enforcement agencies na nakasuot ng kumpletong uniporme at naka-duty ang papayagang magdala ng firearms.
Magtatagal ang naturang panuntunan hanggang June 8, 2022 kung saan huhulihin ang lahat ng lalabag dito.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Colonel Roderick Augustus Alba na nagsimula na ang checkpoint operations sa mga strategic locations kaninang alas-12:00 ng madaling araw.
Sinabi rin ni Alba na nagtayo na rin ng joint checkpoints sa pakikipagtulungan ng regional police units at Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang pagsunod na rin sa utos ng PNP Directorate for Operations.