Pansamantalang itinigil ni US President Donald Trump ang nationwide immigration sweep para ipa-deport ang mga taong iligal na naninirahan sa Estados Unidos.
Ayon kay Trump, bibigyan niya ang mga mambabatas ng dalawang linggo para makabuo ng solusyon para sa southern border.
Ang hakbang na ito ni Trump ay kasunod ng panawagan ni House Speaker Nancy Pelosy na itigil na ang isinasagawang raids.
Nakatakda sanang simulan ang immigration sweep bukas kung saan target nito ang mga taong may final orders na para sa kanilang removal, kabilang na ang mga pamilya na nahaharap sa immigration cases.
Facebook Comments