Painters, wagi kontra Dyip; 88-86

29

Tinapos ng Rain or Shine Elasto Painters ang laro kontra Columbian Dyip sa nagpapatuloy na 2019 PBA Commissioners Cup nitong Linggo sa Batangas Sports Coliseum.

Umiskor si lay-up guard Rey Nambatac sa huling 2.6 segundong overtime laban sa Dyip sa score na 88-86.


Matatandaang dahil din sa overtime game ay natalo ang Painters noong Miyerkules laban sa NorthPort sa score na 105-107.

Samantala, naging kapana-panabik ang ginanap na unang edisyon ng DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament sa Guadalupe Nuevo Gym sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Nanalo sa opening game ang Gentle Hands Holistic Wellness Center kontra DZXL Radyo Trabaho Xanthone Plus Basketball team sa score na 98-48.

Hindi naman pinaporma ng DWWW/iFM ang RMN Head Office sa ikalawang laro sa score na 115-72.

Maghaharap naman sa darating na Sabado, June 29, 2019 ang DZXL Radyo Trabaho Xanthone Plus laban sa RMN Head Office sa unang game na susundan ng Gentle Hands Holistic Wellness Center kontra DWWW/iFM na mapapanood sa Pembo Sports Complex sa Barangay Pembo, Makati City.

Facebook Comments

From Advertisers