Mariing pinasinungalingan ng Malacañang ang kumakalat na balita na magpapatupad ng nationwide lockdown mula December 23 hanggang January 3.
Sa text message, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ‘fake news’ ang kumakalat na ulat lalo na sa social media.
Panawagan naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga sabi-sabi lamang.
Iginiit din ni Nograles na hindi na dapat pinapakalat ang mga unverified reports.
Paalala pa ni Nograles na dapat panatilihing sinusunod ng publiko ang minimum health standards para maiwasan ang COVID-19.
Facebook Comments