Paggamit ng law enforcers ng yantok, dinipensahan ng DILG

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang basehan ang mga alegasyon ng mga kritiko na ang gagamitin ng mga law enforcers ng rattan sticks o yantok para saktan ang mga lumalabag sa social distancing protocols.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang yantok ay gagamtin bilang panukat sa physical distancing at hindi para hatawin ang mga lalabag dito.

Aniya, mananatili ang mga umiiral na sanctions at penalties para sa mga violators.


Bukod sa pagpapanatili ng distansya, maaaring gamitin ng mga awtoridad ang yantok para sa kanilang self-defense sakaling atakehin sila ng mga kriminal gaya ng paggamit nila sa mga batuta.

Facebook Comments