Nationwide lockdown sa New Zealand, ibinaba na

55

Ibinaba na ang nationwide lockdown sa New Zealand.

Ayon kay New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, ibinaba na sa Alert level 3 ang lahat ng lugar sa New Zealand maliban sa Auckland at Northland na nakatakdang alisin sa Agosto 31.

Mananatili namang sarado ang mga public venue, paaralan at mga negosyo habang aabot lamang sa 10 katao ang pinapahintulutan sa mga kasal at lamay.


Sa ngayon ay mayroong 2,900 na kaso ng COVID-19 ang New Zealand habang 26 ang nasawi.

Facebook Comments