Senator Manny Pacquiao, inilatag na ang kaniyang plataporma para sa 2022 elections

16518

Bagama’t hindi pa nag-aanunsiyo kung anong posisyon ang kaniyang tatakbuhan sa 2022 elections ay naglatag na si Senator Manny Pacquiao ng 22-round agenda.

Ayon kay Sen. Pacquiao, ginawa niya ang mga plataporma habang nag-eensayo sa Los Angeles bago ang naging laban niya noong Linggo sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Aniya, naniniwala siyang malaki ang maitutulong nito lalo na sa ikauunlad ng Pilipinas.


Lima sa sinasabing 22 points na inilatag ay ang mga:

 Pagsugpo sa korapsyon
 Paglago ng ekonomiya
 Pagbibigay ng mga trabaho
 Housing program
 at Pagsasaayos ng healthcare system

Ayon sa senador, ipapaliwanag niya ang bawat isa sa plataporma kapag nakauwi na siya rito sa Pilipinas sa susunod na linggo.



Facebook Comments