Nationwide road clearing operation, itutuloy ng DILG validation, itinakda sa Disyembre

229

Magpapalabas ng panibagong memorandum circular ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mag-aatas sa mga local government unit na ipagpatuloy ang kanilang road clearing operations.

 

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya apat na beses na ring gagawin ang validation sa mga lgu na magsisimula sa Disyembre.


 

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DILG sa iba pang ahensya ng gobyerno at mga private companies na sumunod sa utos ni Pangulong Duterte.

 

Samantala, nasa 1,148 LGU sa buong bansa ang nakapasa sa validation habang 97 ang pagpapaliwanagin matapos na bigong malinis ang kanilang lugar sa mga obstruction.

 

Kuntento rin aniya si Pangulong Duterte sa road clearing efforts ng DILG at pinuri ang mga LGU na nakasunod sa kanyang utos.

Facebook Comments

From Advertisers