Nationwide rollout ng mga programa sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan, umarangkada na

Umarangkada na sa buong bansa ang roll-out ng mga programa sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP)

Ayon kay Philippine Coconut Authority (PCA) Administrator Benjamin Madrigal Jr., alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayong kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka at chairman ng PCA board na pabilisin ang paglulunsad ng mga programa at pasilidad ayon sa batas.

Katuwang ang labinlima pang mga bureaus at agencies, gumulong na ang mga pagpaparehistro ng mga eligible coconut farmers sa CFIDP programs sa iba’t ibang rehiyon.


Base sa mga tinukoy sa plano, kabilang sa aktibidad ay ang pagsasagawa ng information campaign para maipaliwanag sa mga coconut farmers kung paanong makapag-avail ng mga benepisyo.

Kasabay rin sa selebrasyon ng 36th National Coconut Week, nag lunsad ng mga seminars ang PCA para bigyan ng dagdag kaalaman ang naturang sektor kung paano mapataas ang kanilang produksyon at aspeto ng market competitiveness.

Facebook Comments