PESO Caloocan, muling magkakasa ng mega job fair katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho

39

Handang-handa na ang Caloocan Public Employment Service Office o PESO sa ikakasang mega job fair katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ayon kay Caloocan City PESO Manager Violeta Gonzalez, maraming kompanya ang kalahok sa mega job fair kabilang ang local at abroad na trabaho kung saan nasa 10,000 posisyon ang bakante.

Magsisimula ang job fair alas-9 ng umaga at tatagal hanggang alas-4 ng hapon sa Brgy. Bagumbong Caloocan Sports Complex.


Pinapayuhan ang mga job seeker na magdala ng maraming resume, magdala ng sariling ballpen at sumunod sa safety health protocol.

Next week, araw ng Martes, i-interview-hin sa DZXL 558 Radyo Trabaho si Caloocan City PESO Manager Violeta Gonzalez.

Facebook Comments