Manila, Philippines – Pangungunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bukas, Marso 31.
Sa interview ng RMN kay Romina Marasigan, tagapagsalita ng NDRMMC – magsisimula ang simultaneous earthquake drill, bandang alas dos ng hapon kung saan Cebu city ang napili nilang ceremonial venue.
Layunin nitong subukan ang kahandaan ng mga ahensya ng pamahalaan sa kalamidad hindi lamang dito sa National Capital Region kundi sa buong bansa.
Muli naman nitong hinakayat ang publiko hindi lamang ang mga lokal na pamahalaan na seryosohin ang mga isinasagawang earthquake drill para maging handa ang bawat isa sakaling tumama ang malakas na lindol sa bansa.
Partikular na tututukan sa drill ang mga mag-aaral, matatanda, mga may kapansanan, sitwasyon sa mga evacuation center gayundin ang pagbibigay ng relief at medical assistance sa mga biktima ng kalamidad.