Nationwide vaccination, inilatag ng DOH sa pagdinig ng Kamara

Inilatag na ng Department of Health (DOH) sa Kamara ang implementasyon para sa nationwide vaccination sa oras na dumating na sa bansa ang mga COVID-19 vaccines.

Sa nagpapatuloy na pagdinig ng Committee on Health sa Kamara, iprinisinta ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroong binuong vaccination campaign teams ng mga physician, allied professionals, doctor at mga volunteer documenter.

May hiwalay ring grupo na monitoring team na siyang magtatala ng mga adverse effects ng mga nabakunahan.


Anumang resulta o epekto lalo na kung may seryosong adverse effect sa mga nabakunahan ng COVID-19 vaccine ay isusumite sa surveillance team para masilip.

Mababatid na 20 sa mga matatanda sa Norway ang nasawi matapos na mabakunahan ng Pfizer.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, maaari pang mabago ang contraindications sa bakuna bago pa man dumating ang COVID-19 vaccine sa bansa.

Ngayon aniya ay batid na ang mga taong may allergies sa vaccine ay isa sa mga contraindications na dapat ikonsidera sa pagbabakuna.

Facebook Comments