Inaalam na ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang katayuan ng Yulo estate sa Milagros, Masbate.
Kasalukuyang ang validation ng DAR ng land validation ng natitira pang 303 ektaryang lupain ng Yulo Estate na planong ipamahagi sa mga magsasakang wala pang sariling lupa.
Ayon kay DAR Bicol Regional Director Rodrigo Realubit, ang land validation ay kasunod ng naging pagpupulong ni Realubit kay Philippine National Police (PNP) Brigadier General Bart Bustamante.
Tinalakay ni Realubit ang pangangailangang palawakin ang programa sa pamamahagi ng lupa sa lalawigan ng Masbate.
Nangako ang PNP na tutulungan ang DAR sa proseso ng land validation hanggang sa posibleng pamamahagi ng natitira pang lupain na maaaring mapasailalim sa CARP sa mga magsasaka.
Ang Yulo Estate ay may kabuuang 1,372 ektarya.
Nahahati ito sa dalawang bahagi, ang isa ay nasa Brgy. Matagbac na may 1,019 ektarya, at ang isa naman ay nasa Brgy. Sawmill na may 261 ektarya.
Batay sa tala ng DAR, 1,069 ektarya na ang naipamahagi sa mga benepisyaryo ng CARP mula 1998 hanggang 2002.