Aabot pa sa 400,000 mahihirap na pamilya sa bansa ang makakatanggap ng cash aid mula sa gobyerno ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Usec. Rene Glen Paje, makakaasa ang publiko na makakatanggap ang lahat ng cash aid dahil nakalaan na ang pondo para dito.
Aniya, sa kasalukuyan aabot na sa 82 bilyong pisong ang naipamahagi sa 13.7 milyong pamilya sa bansa sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP 2).
Matatandaang buwan ng Abril ng unang ilunsad ang SAP, kung saan P5,000 hanggang P8,000 ang natanggap na ayuda ng bawat pamilya.
Facebook Comments