Natitirang P4.2 billion halaga ng programmed funds ng DOH, maaaring gamitin sa pagbili ng COVID-19 booster shots

May natitira pang P4.2 billion halaga ng programmed funds ang Department of Health (DOH) na maaaring i-realign upang magkaroon ng karagdagang pondo para sa pagbili ng maraming COVID-19 booster shots.

Ayon kay Cebu 5th District Rep. Vincent Franco Frasco na siyang sponsor ng pondo ng DOH, sa ilalim ng panukalang 2022 national budget ay P45 billion lamang ang inilaan para sa pagbili ng booster shots.

Ituturok ito sa mga Pilipinong nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 o ‘yong mga fully vaccinated.


Nakalagay naman ang P45 billion sa unprogrammed appropriations at nangangahulugang maaarin pang mdagdagan.

Facebook Comments