Natitirang puwersa ng ASG sa Bohol, wala nang kakayahang manggulo ayon sa AFP

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na na-neutralize na nila ang puwersa ng Teroristang Grupong Abu Sayyaf na sumugod sa Bohol.

Ito ay matapos ding mapatay ang iba pang natitirang miyembro ng ASG sa Bohol noong nakaraang linggo at dalawa nalang ang hindi pa nakikita at patuloy na pinaghahanap ng pamahalan.

Ayon kay Padilla, walang nang kakayahang magplano at magsagawa ng malaking pag-atake ang dalawang miyembro ng ASG sa Bohol kaya hindi na nila ito itinuturiing na malaking banta.


Sinabi pa ni Padilla na ang dalawa ay napabalitang nasa lugar na pinalilibutan na ng mga militar kaya naniniwala itong hindi magtatagal ay masusukol din ang mga ito.

Ipinaalala din ni Padilla sa publiko ang sakripisyo ng mga sundalo para matamasa ng mamamayan ang kalayaan, katahimikan at seguridad.
Ayon kay Padilla, simula noong Enero ay 21 miyembro ng AFP ang nasawi para ipaglaban ang kalayaan ng lahat at mapanatili ang katahimikan at seguridad sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments