Patay sa engkwentro ang natitirang sub-lider ng bandidong grupo Abu Sayyaf Group kahapon laban sa 2nd Special Forces Batallion sa ilalim, ni 1lt. Rhoy Lanzar na Barangay Binuang Talipao Sulu bandang alas cuatro ng hapon .
Ayon sa tagapagsalita ng wesmincom Col.Gerry Bessana nasagupa ng militar ang grupo ni ASG sub lider Angah Adjid na tumagal ng sampung minuto .
Napatay ng militar si Angah Ajid , ito ang huling natitirang sub lider sangkot sa sipadan kidnapping, habang hindi pa nakilala ang isa nitong kasamahan na namatay.
Narecober ng militar sa lugar ng engkwentro ang isang M14 , isang M16 na may naka attached na M203 , siyam na magazine long at isang short magazine ng M16 at bala , walong rounds ng ammonition ng M203 at sampung magazine ng M14 at mga bala at mga personal na gamit.
Sinabi ni Bessana si Angga Adjid ang siyang pumalit kay Idang Susukan na napabalitang napatay sa engkwentro .
Ang neutralization kay Adjid ayon kay Bessana mas lalong pinahihina nito ang grupo ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Hatib Hajan Sawadjaan.