Dalawang miyembro ng basag kotse, patay matapos nanlaban

Patay ang dalawang suspek na pinaghihinalaang responsable sa serye ng bukas kotse dito sa Gensan matapos nanlaban sa Philippne National Police o PNP sa isinagawang operasyon alas 11:00 pasado kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Josefino Emperado at Jan Eric Jaud na parehong residente ng Gensan.

Sa report ng police station 3 nag patrolya umano ang pulisya ng namataan ang suspek na si Emperado na hinahampas ang  salamin ng kotse ng isang  harold burgos  sa may Ventilacion Street, Brgy. Lagao, nang napansin ang  presensya ng PNP agad sumakay sa isang kotse na mazda, color blue ang dalawang suspek para tumakas.


Pagdating sa   Amado Street, Brgy. Lagao, pinaputukan ng baril ng mga  suspek ang  humahabol na police kaya nagkaroon ng engkwento na naging dahil nang pagkasawi ng dalawang suspek.

Narekober sa kaniyang  posisyon ang isang  caliber .45 at .38 revolver.

Ang dalawa ang tinuturong involved sa bukas kotse hindi lang sa gensan pati narin sa koronadal city.

Facebook Comments