Natitirang sub-lider ng ASG, napatay sa engkwentro

Patay  sa  engkwentro ang natitirang sub-lider  ng  bandidong grupo  Abu Sayyaf Group  kahapon laban  sa  2nd  Special Forces  Batallion  sa ilalim,  ni 1lt. Rhoy Lanzar na  Barangay  Binuang  Talipao  Sulu bandang  alas  cuatro  ng hapon  .

Ayon sa  tagapagsalita  ng  wesmincom Col.Gerry Bessana nasagupa  ng  militar  ang grupo  ni ASG sub lider  Angah  Adjid    na  tumagal  ng sampung minuto .

Napatay  ng militar  si  Angah Ajid  , ito ang huling natitirang sub  lider  sangkot  sa  sipadan kidnapping, habang  hindi pa nakilala  ang isa   nitong  kasamahan na namatay.


Narecober  ng militar  sa lugar  ng  engkwentro  ang  isang  M14 ,  isang M16    na  may naka attached  na  M203 ,  siyam  na magazine long at  isang short magazine  ng  M16  at bala , walong  rounds  ng ammonition ng  M203  at  sampung magazine  ng  M14  at mga bala at mga  personal na  gamit.

Sinabi  ni  Bessana  si  Angga  Adjid   ang  siyang  pumalit  kay  Idang Susukan  na  napabalitang napatay sa  engkwentro  .

Ang  neutralization  kay  Adjid  ayon kay Bessana  mas  lalong  pinahihina  nito ang grupo  ng  ASG   sa  ilalim ng pamumuno  ni  Hatib Hajan Sawadjaan.

Facebook Comments