Nakikipag-ugnayan na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay sa natuklasang “tunnel” sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay BuCor acting Director-General Gregorio Catapang Jr., nais nilang makumpirma sa DENR kung ang tunnel ba ay maituturing na illegal quarrying.
Nais ding malaman ng BuCor kung ang tunnel ay ginagamit ng inmates sa pagtakas o sa pag-smuggle ng mga kontrabando.
Ang tunnel na may 200 meters na lapad at 30 meters na lalim ay natuklasan aniya malapit sa director’s quarters na siyang official residence ng BuCor chief.
Natuklasan ang tunnel kasunod ng pagsuko ng mga preso sa kanilang mga kontrabando.
Facebook Comments