Nag-viral na luxury car na may PNP logo, pinaghahanap na ng HPG

Tinutunton na ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang hindi awtorisadong luxury car na may logo ng PNP na nag-viral sa social media.

Kasunod nito, inatasan ni PBGen. Clifford Gairanod, Director ng PNP-HPG ang Regional Highway Patrol Unit-National Capital Region at HPG Motor Vehicle Clearance Division na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagkakakilanlan ng may-ari o driver ng nasabing sasakyan na nag-viral sa social media kamakailan.

Paliwanag ni Gen. Gairanod labag sa batas ang paglalagay ng logo ng PNP sa mga pribado at pang personal na sasakyan sa ilalim ng Article 179 ng Revised Penal Code.


Una nang nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na wala silang inisyung luxury vehicle para gamitin bilang police car.

Facebook Comments