NATUKOY NA MGA PINAGMUMULAN NG TRAFFIC BUILD-UP SA DAGUPAN CITY, TUTUTUKAN

Natukoy sa naganap na pulong ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan ang kadalasang mga pinagmumulan ng traffic congestion sa mga kakalsadahan lalo na bahagi ng Bonuan Gueset sa lungsod.

Ilan sa mga natukoy ay ang pagpark sa mga gilid ng mga lansangan, maging ang posibleng umanong slow driving ng mga nangangapa o bago pa sa pagmamaneho.

Pinaplano umano ang pagkakaroon ng traffic lights pagkatapos ang ilang mga isasagawang testing kung makakatulong na maibsan ang bagal ng daloy ng trapiko.

Bagamat inaasahan ang aksyon ng gobyerno ukol dito, hinikayat ang lahat ng motorista na makiisa at sumunod sa mga batas trapiko upang maging maayos ang siste sa kakalsadahan at maiwasan ang matinding traffic.

Samantala, sakaling may nais pang idulog mga drivers at operators ay bukas umano ang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang marinig ito ng matugunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments