Natumbang Truck sa Carranglan Nueva Ecija, Nag-dulot ng Mabigat na Trapiko!

Nueva Vizcaya – Mabigat na daloy ng trapiko ang idinulot ng natumbang delivery truck ng soft drinks sa kahabaan ng Carranglan, Nueva Ecija kagabi hanggang kaninang umaga!

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Romelo Galamgam, ang Deputy Chief of Police ng Santa Fe Police Station na umabot sa Centro ng Santa Fe hanggang Dalton Pass, Nueva Vizcaya ang naging buhul-buhol na dalay ng trapiko kung saan hindi na nagpa-akyat ng malalaking sasakyan ang kapulisan matapos na maiparating sa PNP Sta. Fe ang naturang pangyayari.

Pawang mga maliliit lamang na sasakyan ang pinayagang makadaan upang maibsan ang pagkakaantala ng mga sasakyan.


Samantala, sa pinakahuling panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Galamgam, sa ngayon umano ay maayos na ang daan  dahil sa ginawang paraan ng kapulisan ng Carranglan, Nueva Ecija at sa tulong narin ng PNP Sta. Fe Nueva Vizcaya.

Facebook Comments