Natuping ₱1000 bill polymer banknote dapat tanggapin sa mga business establishment ayon sa BSP

Dapat na tinatanggap na mga business establishments ang mga ibinabayad na natuping ₱1000 bill, ito ay man polymer bank note o paper bank note.

Sa laging handa briefing, sinabi ni Tony Lambino, Managing Director, Bangko Central ng Pilipinas (BSP) Strategic Communication and Advocacy na natupi man ito ay dapat itong tanggapin sa pang araw araw na transaksyon.

Maging aniya ang pag staple ng ₱1000 bill ay hindi ilegal pero hindi nya hinihikayat na gawin ito mga piso bill.


Una nang nagtrending sa social media ang usapin patungkol sa hindi pagtanggap ng ilang business establishment sa natuping ₱1000 bill polymer bank note.

Panawagan ni Lambino sa publiko, na pangalaan ang anumang peso bills o coins na hawak para mas humaba ang buhay ng mga ito.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Lambino na ang paglalabas ng ₱1000 bill polymer bank note ay bahagi ng kanilang test circulation kaya naman hinihingi nila ang feedback ng publiko sa pagrelease ng bagong ₱1000 bill.

Maari aniyang magbigay ng feedback sa kanilang Facebook messenger, website, BSP online buddy at email address.

Facebook Comments