₱5 rollback sa gasoline; ₱2 sa diesel, kasado na bukas

Sa ikatlong sunod na linggo, aarangkada ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas.

Limang piso ang magiging tapyas ng Seaoil Philippines Inc. sa kada litro ng gasolina; ₱2.00 sa diesel at ₱0.70 sa kerosene.

Kaparehong bawas-presyo rin ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene na hindi nito ikinakarga.


Epektibo ang panibagong oil price rollback alas-6:00 ng umaga bukas, July 19.

Facebook Comments