NATUPOK | 20 bahay, nasunog sa Baybay City, Leyte

Leyte – Aabot sa mahigit 100 tao ang nananatili sa evacuation centers matapos masunog ang nasa 20 bahay sa Baraggay Sabang, Baybay City, Leyte.

Sa ulat, maraming bahay ang nasunog dahil gawa ang ilan dito sa light materials.

Namatay naman sa insidente ang lolang si Percile Leones, 60-anyos na bulag, pipi at bingi.


Tinatayang nasa P500,000 ang naging inisyal na danyos habang inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang naging dahilan ng sunog.

Facebook Comments