SINAKSAK | Mamamahayag, patay sa pananaksak sa Albay

Daraga, Albay – Patay ang isang mamamahayag matapos pagsasaksakin sa bayan ng Daraga, Albay.

Ayon sa isang testigo, papalabas ng basketball court ang biktimang si Celso Amo na may saksak na sa likod.

Hinabol pa ito ng suspek at inundayan pa ng saksak gamit ang isang bolo na may habang 15 pulgada.


Agad namang nakaresponde ang mga pulis na ilang metro lang ang layo ng istasyon sa baskeball court.

Tikom naman ang bibig ng pamilya ng biktima na correspondent ng Philippine Star sa loob ng 21 taon.

Depensa ng suspek na sinasabing may diperensya sa pag-iisip, tila pinagkakaisahan siya ni Amo at ang mga kalaro nito.

Facebook Comments