NATUPOK | Isang eskwelahan at simbahan sa Tabuk City, Kalinga, nasunog

Kalinga – Aabot sa halos limang milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang natupok matapos masunog ang apat na silid-aralan ng Calanan Elementary School sa Tabuk City, Kalinga.

Kasama sa mga nasunog ang mga computer na gamit ng mga mag-aaral kung saan inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy.

Bukod dito, unang nasunog ang St. Joseph Parish Church sa nasabing lungsod.


Tinatayang nasa P15 million hanggang P20 million ang halaga ng natupok ng apoy sa nasabing simbahan.

Facebook Comments