Manila, Philippines – Nasunog ang isang bodega ng lumber products o kahoy sa Barangay Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City.
Alas-8:48 kagabi nang magsimula ang sunog sa bodega ng Statewood Enterprises na matatagpuan sa 504 A. Bonifacio Street na pag-aari ng isang Michael Chua.
Ayon sa guwardiya ng bodega, posibleng pinagmulan ang sunog ang naiwang bukas na makina sa dulong bahagi ng warehouse.
Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog bago idineklarang fire under control pasado alas-9:00 ng gabi.
Sa ngayon, inaalam pa ang kung magkano ang halaga ng napinsalang ari-arian sa nasabing insidente.
Facebook Comments