NATUPOK | Mahigit 200 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog na nangyari sa Sampaloc, Maynila

Manila, Philippines – Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Geronimo Street, Barangay 432 sa Sampaloc, Maynila.

Ayon Bureau of Fire Protection (BFP) – Manila, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Elpidia Feliciano pasado alas-6:00 ng gabi kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil dikit-sikit ang mga bahay na pawang gawa sa mga light materials.

Aabot sa 200 pamilya ang apektado ng sunog at tinatayang nasa P100,000.00 ang halaga ng pinsalang dulot nito.


Inabot naman ng ikalimang alarma ang sunog at idineklarang fire out ang sunog pasado alas-1:00 ng madaling araw.

Isang bumbero at isang residente ang sugatan sa nangyaring insidente habang inaalam naman na ang pinagmulan ng apoy.

Facebook Comments