NATURUKAN NG BOOSTER SHOT SA CAUAYAN CITY, MALAYO PA SA TARGET

Mababa pa rin ang bilang ng nabakunahan ng booster shot sa Lungsod ng Cauayan na umaabot lamang sa 3.06 porsyento mula sa target na 50 porsyento.

Sa pinakahuling datos ng Cauayan City Health Office 1, nasa 3,446 pa lamang ang nabigyan ng second booster shot habang nasa 28,376 naman ang nakapag-1st booster.

Kaugnay nito ay patuloy ang ginagawang bakunahan sa mga matataong lugar sa lungsod ng Cauayan gaya sa SM Terminal, Primark, Barangay Hall at sa mga paaralan para mapataas ang bilang ng mga mabakunahan.

Samantala, nasa mahigit 74 porsyento na ang mga nabakunahan sa hanay ng mga Senior Citizen; mahigit 45% sa mga edad 5 hanggang 11 taong gulang at halos 106% naman sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang. Sa kabuuan, tumaas sa 103.18% o katumbas ng 116,153 katao ang nabigyan ng primary dose habang nasa 96.14% o 108,229 na indibidwal na ang fully vaccinated.

Facebook Comments