Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 566,001 o 52.97 porsiyento ng populasyon ng Isabela ang naturukan ng first dose ng COVID-19 sa buong Lalawigan ng Isabela.
Batay na rin ito sa inilabas na datos ng National Immunization Program-Isabela Integrated Provincial Health Office as of November 16, 2021.
Tumaas ngayon sa 286,756 o 28.13% ng 70% target population mula sa dating datos na 250,158 o 16.06% noong November 12, 2021.
Sa naturang datos ay hindi pa kasali ang bilang ng mga nabakunahan sa Santiago City.
Ang mabilis na pagdami ng mga nabakunahan kontra COVID-19 sa probinsya ay sa tulong na rin ng ‘resbakuna on wheels’ na dalawang Linggo nang nag-iikot sa mga vaccination sites ng bawat bayan at siyudad sa probinsya.
Samantala, mayroon na lamang 825 na active cases ng COVID-19 ang Isabela.