NATURUKAN | Resulta ng pagsusuri sa 2nd batch ng mga umano’y namatay dahil sa Dengvaxia, ilalabas ngayong linggo

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ngayong linggo ng Dengue Investigative Task Force ang resulta ng kanilang pagsusuri sa ikalawang batch ng mga umano’y namatay sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, umabot na sa 62 ang kaso ng mga batang iniuugnay ang pagkasawi sa dengvaxia.

Sabi ni Dr. Gundo Weiler, country representative ng WHO, irerekomenda ang paggamit ng Dengvaxia para sa mga vaccinee na zero positive lang o yung mga dating nagkaroon na ng dengue.


Pero dapat tutukan ngayon kung paano mababawi ang takot at pangamba ng mga pamilya na ang anak ay naturukan ng Dengvaxia.

Batay sa datus ng WHO, may 200,000 kaso ng dengue ang naitatala sa bansa taon-taon kung saan 2,000 ang namamatay.

Facebook Comments