Natutulog na street dweller, nadaganan ng concrete barrier na nabangga ng SUV

Nagtamo ng sugat sa katawan ang isang street dweller matapos mabagsakan ng concrete barrier, na binangga ng isang sasakyan sa ginagawang Skyway sa OsmeƱa Highway, Makati City.

Natutulog daw sa likod ng mga concrete barrier ang 52 taong gulang na street dweller nang maganap ang insidente pasado alas-2 ng madaling araw nitong Lunes.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan para mabigyan ng agarang lunas.


Pero ayon sa driver ng SUV, malayo raw sa nasalpok niya ang concrete barrier na tinutulugan daw ng biktima. Mariin din niyang pinabulaanan ang paratang ng isang kawani ng barangay na nakainom siya.

Depensa niya, sadyang madilim ang lugar na binabagtas kaya hindi napansin ang mga harang.

Sa kabila ng pangyayari, nagdesisyon ang driver na samahan sa ospital ang babaeng palaboy.

Facebook Comments