Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo gn Malacañang na natuwa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkilala ng mamamayan sa pagsisikap ng kanyang administrasyon para labanan ang krimenalidad sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, masaya ang pangulo sa pagtanggap ng marami sa ating mga kababayan sa anti-criminality drive ng Pamahalaan na lumabas sa survey ng Pulse Asia.
Batay kasi aniya sa resulta aabot sa 83% ng approval rating ng Pangulo patungkol sa pagsisikap na masugpo ang krimenalidad.
SINABI din ni Roque na nakakuha din ng 75% approval rating ang Pangulo kung ang paguusapan naman ay ang pangangalaga sa kapakanan sa mga Overseas Filipino Workers.
74% naman aniya ang approval rating ni Pangulong Duterte sa issue ng pagtugon sa panahon ng kalamidad habang 71% at 69% naman ang nakuhang rating ni Pangulong Duterte sa anti-corruption at sa patas na pagpapatupad ng batas.