Bi-sexual arestado matapos minolestya at bina-black mail ang sariling pinsan

General Santos City—Patong patong na kaso isinampa sa isang 20 years Old na bi-sexual na itatago lang sa pangalang alias Aldren matapos itong nahuli sa Entrapment operation ng Regional Cyber Crime Unit dahil sa pangmomolestya at pang ba-black mail umano sa 14 years old nitong pinsan na si Alias Nonoy na residenti ng Sarangani Province.

Ayon sa report ng Regional Cyber Crime Unit , dumulog umano ang magulang ng biktima sa kanilang tanggapan matapos nalaman ang sinapit ng kanilang anak.

Nag ugat umano ang reklamo ng may isang babae nang may isang nag add sa biktima sa facebook kung saan hiningan ito ng nude photos kapalit ng pakipagkita nito sa biktima.


Pero sa halip na makipagkita binablack-mail umano nito ang biktima na ipo-post sa facebook ang kanyang hubot hubad na larawan kung hindi ito makipagtalik sa kanyang pinsang si Alias Aldren.
Narekober mula sa suspek ang cellphone kung saan nasa nasabing cellphone ang video ng biktima at ng suspek na may ginagawang kalaswaan. Nalaman din na ang account na nag add sa facebook sa biktima ay pag-mamayari din ng suspek.

Kasong paglabag sa Anti Child Abuse law, online threat, Child Photography at RA 10175 o Cyber Crime Prevention act of 2012 in relation to RA 7610 ang isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments