NAUNGUSAN | Target revenue ng BOC para sa Setyembre, nalampasan

Manila, Philippines – Pumalo sa 52. 420 billion pesos ang kabuuang kita ng Bureau of Customs para sa buwan ng Setyembre ngayong taon.

Mas mataas ng 0.9% kung ikukumpara sa target na 51.956 billion pesos.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, malaki ang iniambag ng 14 na ports sa buong bansa dahil nagawa rin nilang malampasan ang kanilang target revenue.


Hindi naman kabilang sa mga nakaabot ng kanilang target revenue ang Manila International Container Port, Port of Manila at Port of Surigao.

Ayon kay Lapeña, ang mataas na revenue collection na ito ay resulta ng pinaghigpit na pagbabantay sa mga port entry sa buong bansa, at sa pinagigting na laban kontra smugglers.

Facebook Comments