Nasa red alert status ngayon ang Naval Forces Northern Luzon ng Philippine Navy para agad makaresponde sa mga maapektuhan ng Bagyong Pepito.
Ayon kay Commodore Caesar Bernard Valencia, Commander ng Naval Forces Northern Luzon, maganda ang kondisyon ng kanilang mga kagamitan at ito ay dumaan na sa inspeksyon bago i-deploy.
Kabilang sa mga ito ay M35 at KM450 trucks, tatlong rubber boats na may outboard motors, generators, cutting tools at iba pang life-saving equipment.
Sila ngayon ay naka-standby para makapag-abot ng tulong sa mga komunidad.
Sakop nila ang Region 1, 2 at 3 gayundin ang Cordillera.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin sila sa mga Local Government Unit (LGU) at iba’t ibang Disaster Risk Reduction Management Offices (DRRMO) kaugnay sa epekto ng Bagyong Pepito.