Navotas at Valenzuela LGU, tiniyak na muling magbibigay ng libreng sakay bukas sa pagpapatuloy ng transport strike

Manila, Philippines – Kahit hindi masyadong apektado ang Monumento Circle sa transport strike ngayong araw, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela at Navotas na patuloy ang pag-aalok nila ng libreng sakay bukas para sa pagpapatuloy ng malawakang tigil-pasada ng mga transport group bilang pagtutol sa jeepney modernization.

Sa lungsod ng Navotas, matatagpuan ang mga barangay mobiles na nag-aalok ng libreng sakay sa M. Naval at Gov. Pascual patungong C4.

Habang sa Valenzuela naman, 10 mga trucks ang kanilang ipakakalat na matatagpuan sa kahabaan ng Mc Arthur Highway at Malanday patungong Monumento; Maysan patungong Paso de Blas; Karuhan patungong Ugong; MH Del Pilar St.; at Malanday patungong Polo.


Asahan na anila na alas sais pa lamang ng umaga bukas ay nakakalat na ang mga government vehicles para mag-alok ng libreng sakay.

Facebook Comments