Navotas City, 349 ang mga nahuli sa muling pagpapatupad ng lockdown

Aabot sa 349 ang nahuli ng mga pulis barangay at Task Force Disiplina ng Navotas City sa unang araw ng pagpapatupad ng lockdown.

Nahuli ang mga ito dahil sa paglabag sa mga ordinansa na ipinatutupad sa ilalim ng lockdown tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsunod sa 1 hanggang 2 metrong physical distancing, 24-oras na curfew ng mga batang wala pang 18 taong gulang, at iba pang patakaran ng community quarantine.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, ipinapatupad ang ganitong batas para mapababa ang mga kaso sa lungsod at maging maayos at maluwag na ang pamumuhay ng mga residente.


Nagpaalala rin ang Alkalde sa constituents na iwasang magpasaway at sumunod sa mga patakaran at safety measures upang maiwasan na ang hawaan ng virus at matigil na ang pagkalat nito sa lungsod.

Facebook Comments