Navotas LGU, handa na sa bakunahan sa menor de edad, guardian na hindi pa bakunado, maari na ring sumabay

Handa na ang Navotas City Local Government Unit (LGU) sa pagbabakuna sa menor de edad sa Biyernes.

Ito ay gagawin sa Navotas City Hospital kung saan Moderna at Pfizer na approved ng Food and Drug Administration (FDA) ang gagamitin.

Batay sa abiso ng Navotas LGU, maari na ring sumabay ang mga adult o guardian, magulang na hindi pa bakunado basta’t may kasama pa itong iba pang adult.


Para sa mga interesado, maaring magparehistro online na makikita ang link sa Facebook page ng Navotas at maari rin magpunta sa mismong vaccination site sa Navotas City Hospital.

Kabilang sa kwalipikasyon para mapabilang sa listahan ay dapat 12 hanggang 17 taong gulang na residente o nag-aaral sa Navotas ang magpaparehistro.

Kailangan ding magdala ng medical certificate o medical clearance, birth certificate at ID bilang patunay na may comorbidity ang babakunahan.

Facebook Comments