Makati Social Welfare Department, tatanggap na ng renewal at bagong aplikasyon para sa Makati PhilHealth ng Masa

43

Inanunsyo ng Makati Social Welfare Department (MSWD) na tatanggap na ito ng renewal at bagong aplikasyon para sa Makati PhilHealth ng Masa.

Bukas ang tanggapan ng MSWD sa pagtanggap ng aplikasyon sa renewal hanggang December 15, 2021.

Simula January 2, 2022 hanggang March 15 ay maari namang magsumite ng requirements para sa aplikasyon ang mga bagong aplikante.


Maaaring isumite ang requirements sa mga nakatalagang Makati Action Center Coordinator sa antas ng barangay.

Kabilang sa mga kailangang isumite ng mga magpapanibago ay ang kopya ng kanilang membership data record, barangay certificate of indigency, voter’s certification at ang nasagutang PhilHeath membership registration form.

Sa ilalim ng PhilHealth ng Masa, ang mga residente ng Makati na miyembro ay tuluy-tuloy na makaka-access ng quality health care at iba pang health benefits.



Facebook Comments