Navotas LGU, may paalala sa mga residente na nais magpaputok sa Bagong Taon

Muling nagpa-alala ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa mga residente sa lungsod na mahigpit na ipinagbabawal ang ang paggamit ng anumang uri ng paputok o fireworks.

Ito’y alinsunod sa Executive Order No. TMT-060 na pinapairal sa Navotas City.

Nais ng Navotas Local Government Unit (LGU) na manatiling ligtas ang pagsalubong ng Bagong Taon ng lahat mg residente kaya bawal ang paggamit ng anumang paputok.


Giit pa ng lokal na pamahalaan na sa pag-iwas sa paputok, maiiwasan din ang disgrasya lalo na ang sunog.

Payo pa ng Navotas LGU na gumamit na lamang ng mga bagay na lumilikha ng ingay tulad ng pito, mga gamit sa kusina, sound system, at iba pa.

Pinag-iingat rin ang lahat dahil hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19 kung saan sa kasalukuyan ay nasa 19 ang naitatalang aktibong kaso ng sakit sa buong Navotas.

Facebook Comments