Navotas City – Nakikipag-ugnay na ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa Department of Interior and Local Government (DILG) para mabigyan ng relokasyon ang higit 100 pamilya na naapektuhan ng demolisyon kanina sa Naval St. corner Lapu-Lapu, barangay NBBS, Navotas City.
Ayon kay Irish Cabullin, PIO ng pamahalaang lokal ng lungsod na sumulat na sila sa DILG para mabigyang relokasyon ang mga residente.
Sa kasalukuyan, nagpapaabot na aniya sila ng mga relief packs bilang bahagi ng ayuda sa mga naapektuhang pamilya.
Matatandaang alas-10 ng umaga kanina ng mangyari ang demolisyon kung saan nasa 70 bahay ang dinimolish at nasa 154 na pamilya ang naapektuhan na nananatili ngayon sa covered court.
Facebook Comments