Navotas LGU, nagpahayag din ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nagpahayag si Navotas Mayor Toby Tiangco ng taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Batid ni Tiangco na mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay.

Kaya naman kanyang dalangin na maibsan ng pagmamahal at suporta ang kalungkutang nadarama ngayon ng mga naiwan ni dating Pangulong Aquino.


Dasal din ni Tiangco ang payapang paghimlay ng kaluluwa ng dating pangulo.

Facebook Comments