Navotas, nakuha ulit ang pinakamababang average daily attack rate ng COVID-19 sa ikatlong pagkakataon

Muling nakuha ng Navotas City ang pinakamababang average daily attack rate (ADAR) ng COVID-19 sa buong Metro Manila sa ikatlong pagkakataon.

Batay sa report ng OCTA Research Group, mula May 9 hanggang 14 ay mas mababa pa sa 10 o nasa 5.99 lamang ang ADAR sa Navotas kumpara sa ibang mga lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, ang pagbaba ng bilang ng hawaan at kasong naitatala sa lungsod ay patunay na epektibo ang polisiya at programang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan.


Nagpapasalamat naman ang alkalde sa mga frontliner sa patuloy na pagtupad sa tungkulin at sa mga residente na sumusunod at sumusuporta sa programa ng lungsod para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Umaapela naman si Tiangco sa mga Navoteño na patuloy na makiisa laban sa pagbaba ng kaso ng virus sa kanilang lugar tulad ng pag-iingat, pagsunod sa minimum health protocols, at magpabakuna.

Facebook Comments