Navotas Navigational Gate, walang major damage ayon sa assessment ng contractor na nagsagawa ng repairs at rehabilitation

Ligtas sa pinsala ang Navotas Navigational Gate matapos ang isinagawang assessment report ng Anore Construction na nagsasagawa ng pagkukumpuni at rehabilitasyon nito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Isinagawa ang paunang inspeksyon matapos sumadsad ang F/V Monalinda 98 sa itaas na bahagi ng naturang navigational gate nitong Martes, Oktubre 7, dahilan para makaskas ito.

Sa liham na ipinadala ng MMDA kay Navotas Lone District Congressman Toby Tiangco, nakasaad dito na sa ginawang inspeksyon ay walang nakitang cracks o damage sa link arm, pad eye, bolts, at nuts ng gate.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang obserbasyon sa navigational gate upang masiguro na ligtas at walang anumang malaking pinsala na natamo sa nangyaring insidente.

Facebook Comments