Umapela ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas na palawigin pa ang deadline sa first wave ng pamamahagi ng Social Amelioration.
Giit ng Navotas LGU, hindi pa nabibigyan ng tulong ang lahat ng mga barangay.
Nagpadala na ng request ang Navotas para hilingin sa pamahalaan ang extension sa deadline ng pamamahagi ng SAP.
Samantala, aabot naman sa 15 na mga matatanda ang nahuli ngayon dahil sa paglabag sa home quarantine na sasampahan ng kaso.
Dalawampu naman ang naidagdag sa mga kabataang nahuli na lumabas ng tahanan na walang quarantine pass o di kaya ay nahuling nakatambay.
Sa kabuuang bilang ay 1,195 adults o mga matatanda ang lumalabag sa quarantine protocols habang 560 naman ay mga kabataan.
Facebook Comments